Malacañang naghahanda sa mas malaking pinsala dulot ng El Niño

By Alvin Barcelona March 16, 2016 - 08:20 PM

dry spell
Inquirer file photo

Muling tiniyak ng Malacañang na ginagawa nila ang lahat ng paraan para hindi masyadong maapektuhan ang bansa ng El Niño phenomenon.

Ang pahayag ay ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma sa harap ng projection ng Department of Agriculture na posibleng umabot sa P5Billion ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agkultura.

Ayon kay Coloma, mismong si Pangulong Aquino na ang nagsabi na pinababantayan niya sa lahat ng mga kinauukulang ahensya para tutukan ang epekto ng El Niño.

Katunayan nagpapa-cloud seeding na si Agriculture Sec. Proseso Alcala sa Mindanao at nagpagawa na rin ng mga solar facilities, wind pump at irrigation system na bahagi ng long term solution ng kagawaran.

Tuloy tuloy din aniya ang pamimigay nila ng mga mataas na kalidad na binhi, fingerlings at mga buffer stock ng mga feeds.

TAGS: Agriculture, El Niño, Malacañang, Agriculture, El Niño, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.