WestMinCom at JTF sulu sinaluduhan ni Pangulong Duterte dahil sa Operation Perfect Storm 2

By Chona Yu November 11, 2020 - 04:55 AM

Sinaluduhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo ng Armed Force of the Philippines Western Mindanao command at Joint Task Force Sulu dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng Operation Perfect Storm 2 sa Parang, Sulu noong ika-3 ng Nobyembre.

Sa naturang operasyon, napatay ng militar ang pitong miyembro ng ng Da’wah Islamiyah Abu Sayyaf Kidnap for Ransom group sa ilalim nina Sawadjaan at Radullan Sahiron.

Ayon kay Pangulong Duterte kahit masama ang lagay ng panahon, buong tapang na sinagupa ng militar ang mga kalaban na magsasagawa sana ng
kidnapping operation sa Surigao Province.

Saludo ang pangulo sa katapangan at kabayanihan ng mga sundalo.

Tiniyak ng pangulo na buo ang kanyang suporta sa mga sundalo.

Pakiusap ng pangulo, panatilihin ang peace and order sa bansa.

 

TAGS: Armed Force of the Philippines, Da’wah Islamiyah Abu Sayyaf Kidnap for Ransom group, Joint Task Force Sulu, katapangan at kabayanihan, Operation Perfect Storm 2, Pangulong Duterte, sundalo, Western Mindanao Command, Armed Force of the Philippines, Da’wah Islamiyah Abu Sayyaf Kidnap for Ransom group, Joint Task Force Sulu, katapangan at kabayanihan, Operation Perfect Storm 2, Pangulong Duterte, sundalo, Western Mindanao Command

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.