Gender and development code aprubado na sa Maynila

By Chona Yu November 11, 2020 - 04:50 AM

Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang bagong ordinansa na Gender and Development Code.

Layunin ng bagong ordinansa na protektahan ang mga kababaihan at iba pang kasarian sa anumang uri ng karahasan, panggugulpi, sexual abuse, trafficking, gender discrimination, sexual harassment, pedophilia, commercial exploitation at iba lang uri ng harassment.

Nakasaad din sa ordinansa na dapat na mabigyan ang lahat ng pantay na karapatan sa mga programa at proyekto na may kinalaman sa gender at development.

Ayon kay Mayor Isko, nakasaad sa agong ordinansa na bibigyan ng proteksyon ng lokal na pamahalaan ang mga survivor sa karahasan at bibigyan ng libreng counseling atvmedical services.

Bibigyan din aniya ng karampatang imbestigasyon ang mga biktima ng karahasan kasabay ng pagtatatag ng community-based psychological programs, support groups, at iba pa.

Nakasaad din sa ordinansa na dapat na one third ng miyembro ng barangay at city development council for gender and development ay mga babae.

TAGS: commercial exploitation, Gender and Development Code, gender discrimination, iba pang kasarian, kababaihan, karahasan, Manila Mayor Isko Moreno, panggugulpi, pedophilia, sexual abuse, sexual harassment, trafficking, commercial exploitation, Gender and Development Code, gender discrimination, iba pang kasarian, kababaihan, karahasan, Manila Mayor Isko Moreno, panggugulpi, pedophilia, sexual abuse, sexual harassment, trafficking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.