Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 56,872
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (November 10, 3:00 PM) nakapagtala ng 407 na bagong kaso kaya pumalo na sa 56,872 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,462
Laguna – 15,527
Batangas -9,880
Rizal – 11,706
Quezon – 4,297
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,590.
Nasa 47,766 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 317 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,006
Laguna – 13,982
Batangas – 8,909
Rizal – 9,543
Quezon – 2,326
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 6 kaya umabot na sa 1,516 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 325
Batangas – 286
Rizal – 378
Quezon – 121
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.