Magnitude 3.5 na lindol, tumama sa Occidental Mindoro
By Angellic Jordan November 10, 2020 - 06:17 PM
Tumama ang magnitude 3.5 na lindol ang Occidental Mindoro.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang sentro ng lindol sa layong 36 kilometers Southwest ng Lubang.
Naramdaman ang pagyanig bandang 5:51 ng hapon.
26 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na pinsala sa Lubang at mga karatig-bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.