PhilHealth, pinag-aaralang palawakin ang coverage sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis

By Chona Yu November 10, 2020 - 04:09 PM

Pinag-aaralan na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palawakin pa ang coverage sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, humihirit sa PhilHealth President Dante Gierran sa board na aprubahan ang expansion.

Sa kasalukuyan, nasa 90 dialysis session lamang ang sinasagot ng PhilHealth kada taon.

Sa panukala aniya ni Gierran, nais itong gawing 133 dialysis sessions kada taon.

Sinabi pa ni Roque na nakipag-ugnayan na rin ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa PhilHealth para bigyan ng tig-P10,000 cash assistance ang mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis.

TAGS: Inquirer News, philhealth, PhilHealth President Dante Gierran, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Inquirer News, philhealth, PhilHealth President Dante Gierran, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.