7,200 tourism establishments, pinayagan nang magbukas ng DOT
Binigyan na ng Department of Tourism (DOT) ng ‘go signal’ ang 7,200 hotels, resorts at accommodation establishments para muling makapag-operate.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Puyat, pinakamaraming nabigyan ng Certificate of Authority to Operate (CAO) at provisional CAO sa CALABARZON sa bilang na 1,303, sinundan ng Central Luzon, 830 at ikatlo sa Region 1, 806.
Sinabi ni Puyat sa pamamagitan ng CAO ay magkakaroon ng kumpiyansa ang mga bisita na ang mga establisyemento ay sumailalim sa inspections at nakakasunod sa protocols alinsunod sa globally-recognized health and safety standards.
Nagsimula nang magbigay ang kagawaran ng CAOs sa mga establisyemento para sa akomodasyon ng umuuwing OFWs, Filipino balikbayan, essential workers, maging mga foreign at domestic tourists.
Nagbukas na rin sa domestic tourism ang mga kilalang tourist destinations, gaya ng Boracay, Palawan, Baguio City, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Paliwanag ni Puyat, layon nilang pasiglahin muli ang industriya ng turismo at patuloy silang magsasagawa ng inspections sa mga establisyemento para maihanda na ang mga ito sakaling muling tumanggap ang bansa ng mga banyagang turista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.