Ekonomiya ng bansa bagsak pa rin sa ikatlong Quarter ng taon
Bagsak pa rin ang ekonomiya ng bansa sa 3rd Quarter ng taon
Ayon kay National Statistician Usec. Dennis Mapa bumagsak sa -11.5 percent ang 3rd quarter year-on-year GDP ng Pilipinas.
Bahagya itong mas mataas sa -16.9 percent noong 2nd quarter.
Ang bahagyang pag-angat ng ekonomiya ay kasunod ng pagluluwag sa mga quarantine restictions na ipinapatupad ng pamahalaan gayundin ang unti-unting pagbubukas ng mga negosyo.
Ang services ay bumagsak ng -10.6 percent habang ang industry sector ay nakapagtala ng -17.2 percent.
Umangat naman ang sektor ng agrikultura sa 1.2 percent.
Pinakamalaking contributors sa pagbagsak ng production side ay ang construction na -3.3 percent; real state na -1.6 percent at manufacturings na -1.6 percent.
Major contributors naman sa pagbaba ng GDP growth ay ang construction side na bumagsak ng -7.6 percent; household final consumption expenditure na -6.6 percent; durable equipment na nakapagtala ng -2.7 percent
Sabi ni Mapa tanging ang government spending lamang ang umangat sa 5.8 percent at lahat ng ibang contributors ay bagsak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.