Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, halos 5,600 na
Napaulat ang 29 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:35, Lunes ng hapon (November 9), 5,593 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 136 ang aktibong kaso.
Wala nang itinuturing na probable cases habang 991 ang suspected cases kung saan 22,033 ang cleared na.
26 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,278 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 179 na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.