Active COVID-19 cases sa Western Visayas, halos 3,000
Nagpositibo ang 145 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 9, umakyat na sa 17,864 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
2,979 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 80.19 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
104 naman ang gumaling pa kaya 14,437 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 448 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.