73 barangay sa Maynila, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan
Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na nasa 73 barangay ang walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan.
Naitala ito mula September 1 hanggang October 31, 2020.
Sinabi ng alkalde na ginawaran ng lokal na pamahalaan ng P100,000 cash award ang mga barangay alinsunod sa incentive-based approach upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Isinagawa ang awarding ceremony matapos ang flag-raising ceremony sa Kartilya ng Katipunan, Lunes ng umaga (November 9).
Nasa 12 barangay ang walang bagong COVID-19 cases sa District 1, siyam sa District 2, 20 sa District 3, siyam sa District 4, 10 sa District 5, at 13 barangay naman sa District 3.
Narito ang listahan ng mga sumusunod na barangay:
District 1 barangays — 3, 8, 30, 44, 83, 87, 124, 126, 127, 139, 143, 145
District 2 barangays — 188, 217, 239, 240, 243, 244, 252, 258, 261
District 3 barangays — 268, 270, 271, 272, 273, 295, 300, 303, 306, 307, 326, 330, 332, 344, 348, 349, 362, 363, 380, 390
District 4 barangays — 446, 462, 469, 490, 501, 546, 552, 573, 577
District 5 barangays — 661, 706, 711, 716, 742, 663-A, 749, 757, 758, 795
District 6 barangays — 606, 608, 610, 613, 614, 626, 635, 647, 853, 865, 886, 891, 895
“Let me take this opportunity to thank each and everyone of you. Thank you for helping us in keeping our citizens safe and unharmed. good job. congratulations to all of you,” pahayag ni Moreno.
“I’m proud of you. Kaya siyang gawin, kaya siyang gayahin. Hindi siya imposible,” dagdag pa nito.
Matatandaang inanunsiyo ni Moreno ang incentive-based approach noong August 31.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.