17 homeless persons at street dwellers na-rescue sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2020 - 10:15 AM

Aabot sa 17 homeless persons at street dwellers ang na-rescue sa isinagawang reach-out operations ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) Rescue Team sa pakikipagtulungan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng UN Avenue, Otis Rd., Legarda St., P. Noval St., Recto Ave. at España Blvd.

Agad silang dinala sa rescue facilities ng lungsod kung saan doon ay tinutugunan ang ng mga MDSW staff at volunteers ang kanilang pangangailangan.

Ayon kay MDSW Director Re Fugoso regular na nagsasagawa ng reach-out operations sa lungsod batay na din sa utos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tiyaking napoprotektahan ang mga homeless persons at street dwellers laban sa sakit na COVID-19.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila, manila DSW, Philippine News, Radyo Inquirer, reach out operations, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila, manila DSW, Philippine News, Radyo Inquirer, reach out operations, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.