Orange heavy rainfall warning nakataas na sa Aurora

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2020 - 09:50 AM

Dahil sa nararanasang patuloy na malakas na buhos ng ulan, nagtaas na ng orange heavy rainfall warning ang PAGASA sa Aurora.

Sa inilabas na Heavy Rainfall Warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 9, orange warning na ang umiiral sa Aurora dahil sa nararanasang pag-ulan na dulot ng Easterlies at Tail-end of a Cold Front.

Babala ng PAGASA maari nang makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Samantala, yellow warning naman na ang nakataas sa bayan ng Dinapigue sa Isabela.

Habang nakararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Isabela at Quirino.

 

 

 

 

 

TAGS: Aurora, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, isabela, Orange Warning Level, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Aurora, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, isabela, Orange Warning Level, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.