Sen. Win Gatchalian nangako na ilalaban na maibalik ang pondo para sa mga guro

By Jan Escosio November 06, 2020 - 03:48 PM

Ngayon nakatakda na ang deliberasyon sa Senado para sa P4.5 billiion 2021 national budget, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na itutulak niya ang pagbabalik ng mga pondo para sa mga guro.

Diin nito, malaki din ang isinasakripisyo ng mga guro sa paglalatag ng ‘blended learning system.’

Bagamat batid aniya niya ang limitadong kakayahan ng gobyerno ngayon, dapat ay hindi pa rin inaalis kundi dapat pang ipanatili ang pondo para sa benepisyong-medikal ng mga guro.

Puna nito, ngayon taon naglaan ng P400 million para sa medical benefits ng mga guro, ngunit inalis ito sa 2021 National Expenditure Program ng gobyerno.

Tumaas naman ng 9.5 porsiyento ang pondo ng DepEd para sa susunod na taon.

“Bilang mga frontliners sa pagpapatuloy ng edukasyon, isinasakripisyo ng mga guro ang kanilang kaligtasan at kalusugan, kaya hindi natin dapat ipagkait ang ano mang uri ng suportang maaari nating ibigay sa kanila,” katuwiran ng senador.

 

 

 

 

 

 

TAGS: blended learning system, senator win gatchalian, teachers, blended learning system, senator win gatchalian, teachers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.