CebuPac nakapag-refund na ng P2.7B halaga ng ticket

By Jan Escosio November 06, 2020 - 11:59 AM

Karagdagang P300 milyon halaga ng ticket ang nai-refund pa ng Cebu Pacific sa kanilang mga pasahero dahil sa mga cancellations of flights bunga ng COVID-19 pandemic.

Sa pahayag ng CebuPac, umaabot na sa P2.7 bilyon ang kanilang nai-refund sa kanilang mga pasahero.

Sa kasalukuyan ay pinoproseso na nila ang mga refund requests na naisumite sa kanila noong Hunyo.

Kasabay nito, humingi muli ng pang-unawa ang kompaniya sa kanilang mga pasahero kung naiinip na sa kanilang refund at ayon sa CebuPac ang refund ay maaring abutin pa rin ng anim na buwan.

“We understand how difficult this situation is for everyone, and we sincerely apologize for the delay. As the aviation industry gradually restarts and reshapes amidst this new normal, we hope for your continued patience and understanding, as refunds may still take up to six months from the time the request was filed,” ayon sa inilabas na pahayag ng CebuPac.

Dagdag pa nito, pinagsusumikapan din nila na makapaghanap ng bagong puhunan para patuloy silang makapag-alok ng mababang pasahe sa kanilang mga biyahe.

TAGS: CebuPac, COVID-19 pandemic, P2.7 bilyon, refund, CebuPac, COVID-19 pandemic, P2.7 bilyon, refund

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.