LOOK: 34 na street dwellers at homeless, sinagip sa Maynila
Aabot sa 34 na homeless persons at street dwellers ang nasagip ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) Rescue Team sa Maynila.
Isinagawa ang serye ng reach-out operations sa UN Ave., Roxas Blvd., Taft Ave., Vito Cruz St., Quirino Ave., Osmeña St., Canonigo St., Romualdez St., Nepomuceno St., Laon Laan St., Dimasalang St., Morayta St., Nagtahan St., España Blvd. at Recto Avenue.
Ang mga na-rescue ay dinala sa rescue facilities ng lungsod.
Aasistihan sila ng mga staff ng MDSW.
Ayon kay MDSW Director Re Fugoso regular ang ginagawa nilang reach-out operations batay sa direktiba ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na proteksyunan ang mga homeless person at street dweller sa lungsod laban sa banta ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.