Red Cross tinawag na “mukhang pera” ni Pangulong Rodrigo Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2020 - 05:43 AM

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “mukhang pera” ang Philippine Red Cross (PRC) hinggil sa isyu ng pagkakautang ng PhilHealth sa COVID-19 COVID-19 testing services nito.

Sa pulong sa Malakanyang ng inter-Agency Task Force, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque II kay Pangulong Duterte na nabayaran na ng PhilHealth ang Red Corss.

Dahil dito, muli nang nag-resume ang Red Cross sa pagsasagawa ng COVID-19 tests.

Sumagot naman ang pangulo at nagkomento ng “Mukhang pera.”

Magugunitang inihinto ng Red Cross ang pagsasagawa nito ng COVID-19 tests na chargeable sa PhilHealth matapos umabot sa mahigit P930-million ang utang ng ahensya.

Nag-resume naman sa testing services ang Red Cross ng makabayad na ang PhilHealth ng inisyal na bayad na P500-million.

Kahapon araw ng Huwebes nagdagdag pa ng P100 million na bayad ang PhilHealth.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, philhealth, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, red cross, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, philhealth, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, red cross, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.