Palasyo, nagpasalamat sa tiwala ng taong bayan kay Pangulong Duterte

By Chona Yu November 05, 2020 - 04:56 PM

Nagpapasalamat ang Palasyo ng Nalakanyang sa tiwala ng taong bayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Palasyo matapos pumasok ang Pilipinas sa ika-12 puwesto sa 144 na bansa na itinuturing na pinakaligtas na tirhan base na rin sa 2020 Global Law and Order Survey ng US company na Gallup.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay ito na kinikilala ng taong bayan ang prayoridad ni Pangulong Duterte na panatilihin ang ‘peace and order’ sa bansa.

“Nagpapasalamat po kami sa ating taumbayan at kahit papaano po ay kinilala po nila iyong prayoridad ng ating Pangulo na panatilihin talaga ang peace and order sa ating lipunan,” pahayag nito.

Pinasasalamatan aniya ng Palasyo ang taong bayan dahil sa pagbibigay ng kumpiyansa sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Patuloy aniyang pagsusumikapan ng administrasyon na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

“Maraming, maraming salamat po at ito pong kumpiyansa na binigay ninyo sa pamamagitan ng survey na ito ay patunay na patuloy po tayong nagsusulong na maibalik po talaga ang peace and order sa ating komunidad,” dagdag pa nito.

Nabatid na ang resulta ng international survey ay ibinase sa naging tugon ng respondents mula sa 144 na bansa, na nagsabing kumpiyansa sila sa kanilang local police force at pakiramdam nila ay ligtas sila sa kanilang siyudad.

TAGS: 2020 Global Law and Order Survey, Gallup, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, 2020 Global Law and Order Survey, Gallup, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.