Bahagi ng ibinayad sa Hillmarc, napunta kay VP Binay-AMLC

By Kathleen Betina Aenlle March 16, 2016 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Lumabas sa report ng imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), na ilang bahagi ng ibinayad ng lokal na pamahalaan ng Makati City sa Hillmarc’s Construction para sa kanilang mga infrastructure projects ay nauwi umano sa mga bank accounts ni Vice President Jejomar Binay at ng mga hinihinalang dummies niya.

Sa 11 buwan na pag-iimbestiga ng AMLC sa mga hinihinalang tagong yaman ni Binay, napag-alaman nila na may pitong bank accounts umano ang Pangalawang Pangulo habang siya pa ay naninilbihang alkalde ng Makati noon.

Ang mga nasabing accounts umano ay nakatanggap ng mga deposito ng malalaking pera mula sa mga sinasabing dummies niya na tinukoy bilang sina Gerardo Limlingan, Lily Crystal, Bernadette Portollano, Motzi Sedillo at Eduviges Baloloy.

Base umano sa statement of accounts at mga dokumentong inilabas, kabilang sa mga idineposito sa mga bank accounts ay mula sa mga accounts na kontrolado ng mga sinasabing dummies.

Sa P1.24 billion na ibinayad ng pamahalaan ng Makati sa Hillmarc, P413,490,699.04 umano dito ang napunta sa joint accounts nina Limlingan at Baloloy.

Ayon sa report ng AMLC, may kabuuang P293,147,143.37 ang naideposito sa mga accounts ni Binay mula 2008 hanggang 2014.

Daan-daang transaksyon din umano ang naitala sa mga nasabing accounts sa iba’t ibang bangko sa kasagsagan ng pagpapagawa ng Makati City parking building at Makati City Science High School mula 2007 hanggang 2014.

Si Limlingan ay matagal nang finance officer ni Binay, habang sina Crystal at Sedillo ay nagta-trabaho kay Limlinagn, at si Baloloy naman ay kamag-anak ni Binay na nag-silbi ring secretary at executive assistant sa kaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.