NGCP, tuloy pa rin ang repair and restoration efforts
By Angellic Jordan November 05, 2020 - 03:15 PM
Tuloy pa rin ang repair and restoration efforts ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly.
Ito ay kasunod ng isinagawang aerial at foot patrols.
Ayon sa ahensya, nasa kabuuang 755 transmission structures ang napinsala sa buong rehiyon ng Bicol.
Kabilang din dito ang 47 toppled backbone structures.
Sinabi pa ng NGCP na ilang site rin ang lubog pa rin sa baha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.