Vandalism sa People Power Monument, isang black propaganda – Sen. Marcos

By Kathleen Betina Aenlle March 16, 2016 - 04:25 AM

 

Inquirer file photo

Naniniwala si Sen. Bongbong Marcos, na tumatakbo bilang pangalawang pangulo ng bansa sa darating na halalan, na bahagi ng black propaganda laban sa kaniya ang pag-vandalize sa People Power Monument ng mga katagang “Marcos pa rin!”

Ayon sa Senador, marahil ay ginawa ito para mag-bunga ng mga negatibong komento laban sa kaniyang kandidatura.

Martes ng umaga, sinulatan ng “Marcos pa rin!” graffiti ang nasabing monumento na sumisimbolo sa pagpapatalsik sa dating diktador na si Ferdinand Marcos.

Dali-daling pinuntahan ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways ang monumento para isisin ang isinulat dito.

Umapela naman si Marcos sa mga kapwa niya kandidato pati na rin sa mga taga-suporta na i-angat ang political discussions para mabigyan ng matalinong pagpi-pilian ang mga publiko ng kanilang susunod na magiging pinuno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.