Paliligo sa Manila Bay, bawal pa rin-DOH

By Erwin Aguilon March 16, 2016 - 04:21 AM

 

Inquirer file photo/AP

Ipinaalala ngayon ni Health Secretary Janet Garin sa publiko ang pagbabawal sa paliligo sa Manila Bay.

Ayon kay Garin, napakarumi ng tubig sa Manila Bay kaya makasasama sa kalusugan ng kahit sino ang paliligo rito lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Sinabi ng kalihim na maaari anyang makainum ng tubig ang maliligo rito na may ihi at dumi ng tao at hayop na magdadala ng sakit.

Bukod sa mga ihi at dumi ay marami ding basura sa Manila Bay na magdudulot ng sakit sa mga tao.

Ang paalala ng kalihim ay kasunod ng napakainit na panahon at marami na naman sa ating mga kababayan ang nagnanais maligo sa dagat.

Nitong nakalipas na panahon sa kabila ng paalala ng mga kinauukulan marami pa rin ang naliligo sa Manila Bay at hindi inaalintana ang dumi at sakit na maaring makuha rito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.