Mother Teresa, idedeklarang santo

By Kathleen Betina Aenlle March 16, 2016 - 04:17 AM

 

mother-teresaLabingsiyam na taon matapos pumanaw ang madreng kilalang tumulong at nangalaga sa mahihirap na si Mother Teresa of Calcutta, itinakda na sa wakas ni Pope Francis ang kaniyang canonization upang ganap na siyang mai-deklarang santo.

Inanunsyo ni Pope Francis na sa September 4, bisperas ng anibersaryo ng kaniyang pag-panaw, ay idedeklara nang santo si Mother Teresa.

Inasahan na rin ang anunsyong ito ng Santo Papa, makaraang aprubahan niya noong Disyembre ang pangalawang milagro ni Mother Teresa na siyang huling magpapatibay ng pagiging karapat-dapat niyang maging santo.

Libu-libong deboto ang inaasahang dadalo sa seremonya para magbigay pugay kay Mother Teresa na na-beatify ni St. John Paul II noong 2003 sa St. Peter’s Square.

Pumanaw noong 1997 si Mother Teresa na nakatanggap rin ng 1979 Nobel peace prize dahil sa kaniyang mga ginawa para makatulogn sa mga mahihirap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.