#Siony, napanatili ang lakas; Batanes, nakataas na rin sa Signal no. 1
Napanatili ang lakas ng Severe Tropical Storm habang tinatahak ang Silangang bahagi ng extreme Northern Luzon.
Batay sa severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 670 kilometers Silangan ng Basco, Batanes bandang 10:00 ng gabi.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Mabagal ang pagkilos nito sa direksyong pa-Kanluran.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batanes
– Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
– Eastern portion ng Babuyan Islands (Balintang Isl., Babuyan Isl., Didicas Isl., and Camiguin Isl. including their adjoining islets)
Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall o lumapit ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Batanes or Babuyan Islands sa Biyernes ng umaga, November 6.
Hindi pa rin inaalis ng weather bureau ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo.
Sa susunod na 24 oras, mararanasan ang kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Pangasinan at karamihang bahagi ng Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao.
Sinabi ng weather bureau na ito ay dulot ng trough ng Bagyong Siony at Tropical Storm Rolly na may international name na “Goni.”
Inaasahan namang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng hapon o gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.