Mga gumaling sa COVID sa Muntinlupa City, lagpas 4,500 na
By Angellic Jordan November 04, 2020 - 09:34 PM
Sumampa na sa 4,700 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (November 4), sa nasabing bilang ay 45 ang aktibong kaso.
282 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 67 ang suspected cases.
Samantala, 4,502 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 153 na ang bilang ng nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.