COVID-19 vaccine plans ng bansa, hindi apektado sa pagtatalaga kay Galvez bilang vaccine czar

By Erwin Aguilon November 04, 2020 - 03:40 PM

Hindi makakaapekto sa vaccine plans ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Natioinal Task Force against Covid-19 Chief Implementor Carlito Galvez bilang vaccine czar.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie, walang babaguhin sa proseso na nauna nang nailatag ng pamahalaan sa pagkuha ng bakuna laban sa COVID-19.

Sabi ng opisyal, bilang vaccine czar, ang magiging trabaho ni Galvez ay ang purchasing, negotiations at distribution ng bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa habang maiiwan sa mga medical expert ang regulatory approval upang matiyak ang safety at efficacy ng gamot.

“Iyong ating regulatory process to ensure that the vaccine would be safe and efficacious ay ipapatupad pa rin natin,” pahayag ni Vergerie.

Giit nito, walang papalitan sa plano pero maaaring magdagdag lamang si Galvez upang mapabilis ang proseso.

TAGS: Carlito Galvez as vaccine czar, covid 19 vaccine, COVID-19 response, COVID-19 vaccine plans, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Usec. Maria Rosario Vergerie, Carlito Galvez as vaccine czar, covid 19 vaccine, COVID-19 response, COVID-19 vaccine plans, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Usec. Maria Rosario Vergerie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.