Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa buong mundo nadagdagan pa ng mahigit 8,000 pa

By Dona Dominguez-Cargullo November 04, 2020 - 12:30 PM

Umabot na sa 1,220,260 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 238,641.

Umabot naman na sa mahigit 160,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 123,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 92,000.

Umabot naman na sa mahigit 34.3 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 12.2 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 238,641
Brazil – 160,548
India – 123,650
Mexico – 92,593
UK – 47,250
Italy – 39,412
France – 38,289
Spain – 36,495
Iran – 36,160
Peru – 34,623

 

 

 

TAGS: COVID, covid cases, global death toll, COVID, covid cases, global death toll

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.