Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales November 04, 2020 - 07:29 AM

Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 202.53 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (November 4) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 202.22 meters.

Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.86 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.02 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.02 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 78.83 meters.

Ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao at Caliraya dams.

Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.

 

 

TAGS: Angat Dam, Breaking News in the Philippines, dam status, Inquirer News, Ipo dam, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Angat Dam, Breaking News in the Philippines, dam status, Inquirer News, Ipo dam, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.