172 pamilya sa San Andres, Catanduanes inabutan ng tulong ng Red Cross

By Dona Dominguez-Cargullo November 04, 2020 - 05:51 AM

Naabutan na ng tulong ng Philippine Red Cross ang aabot sa 172 na pamilya sa Bargy. Bon-ot, San Andres, Catanduanes.

Personal na nagtungo sa lalawigan si Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon.

Ayon sa Red Cross ngayong araw at sa mga susunod na araw mas maraming pamilya pa ang aasistihan ng Red Cross.

Binigyan sila ng mga tent na maari nilang magamit para pansamantalang masilungan, banig at iba pang mahahalang mga gamit.

“Hindi titigil ang Red Cross hangga’t hindi nakakatayong muli ang mga komunidad na tinamaan ng bagyong #RollyPH. Basta’t tayo ay magkakasama, tayo ay makakababangong muli,” ayon kay Gordon.

Noong Lunes (Nov. 2) ng hapon, umalis ng Metro Manila ang Red Cross Humanitarian Caravan para magtungo sa Catanduanes at Albay at magbigay ng agarang tulong sa mga komunidad na direktang tinamaan ng bagyong Rolly.

Kasama sa caravan ang water tankers dahil hanggang ngayon ay wala pa ring supply ng tubig sa mga probinsya.

May dala ding food truck para makapamahagi ng hot meals sa mga evacuation center.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, catanduanes, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, red cross, RollyPH, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, catanduanes, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, red cross, RollyPH, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.