Mga aktibong kaso sa Eastern Visayas, nasa 863
Nadagdagan ng 61 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Naitala ang mga bagong kaso mula sa 877 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Martes ng gabi (November 3), 6,890 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 863 o 12.53 porsyento ang aktibong kaso.
Maraming residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 5,963 o 86.55 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 64 pa rin ang mga residenteng nasawi o 0.93 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.