Umabot sa 26 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Martes ng gabi (November 3), umabot na sa 2,255 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 674 ang aktibo pang kaso.
27 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 1,553 na ang total recoveries sa Baguio City habang 28 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,365 ang aktibo habang 3,170 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 18,064 na residente habang 18,574 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.