673 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan November 03, 2020 - 10:34 PM

Umabot sa 673 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Lunes ng hapon (November 2), hanggang 5:00, Martes ng hapon (November 3).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 375 kung saan 157 ang adult habang 218 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 251.

Walo naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, dalawa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, lima ang umiinom, pito ang naninigarilyo habang 25 sa iba pang ordinansa.

TAGS: Inquirer News, Navotas city ordinance violators, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Navotas city ordinance violators, Navotas City Police, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.