Outbound passengers sa mga pantalan sa Undas, nasa mahigit 2,000

By Angellic Jordan November 03, 2020 - 03:54 PM

Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2020.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 2,406 na outbound passengers sa mga pantalan habang 2,388 ang inbound passengers.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Martes (November 3).

Nasa 1,619 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 123 ang inspected vessels at 192 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

TAGS: Inquirer News, Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2020, PCG, PCG monitoring, Radyo Inquirer news, undas 2020, Inquirer News, Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2020, PCG, PCG monitoring, Radyo Inquirer news, undas 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.