Mahigit 443,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo naitala sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo November 03, 2020 - 09:53 AM

Umabot muli sa halos kalahating milyon ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes, (Nov. 3) ay 47,284,241 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 443,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 76,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 37,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 8,000 na mga kaso.

Ang France ay nakapagtala ng mahigit 52,000 na bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 9,554,594
India – 8,266,914
Brazil – 5,554,206
Russia – 1,655,038
France – 1,466,433
Spain – 1,313,087
Argentina – 1,173,533
Colombia – 1,093,256
UK – 1,053,864
Mexico – 929,392

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, covid update, COVIF Cases, global cases, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, covid update, COVIF Cases, global cases, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.