1 patay, marami ang sugatan sa anim na magkakahiwalay na pag-atake sa Vienna, Austria

By Dona Dominguez-Cargullo November 03, 2020 - 08:41 AM

Nakapagtala ng magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa anim na magkakaibang lugar sa Vienna, Austria.

Unang nakapagtala ng pag-atake malapit sa sa central synagogue kung saan isa na ang naitalang nasawi habang maraming iba pa ang sugatan.

Pinaghahanap pa ng mga otoriodad ang mga armadong suspek ayon kay Interior Minister Karl Nehammer.

Pinayuhan ang mga residente na manatili lamang sa loob ng kanilang mga tahanan.

Sa inisyal na impormasyon sinabi ni Nehammer na itinuturing na terror attacks ang nangyari.

Ayon kay Vienna mayor Michael Ludwig, mayroong 15 katao na ginagamot sa Vienna hospitals at pito sa kanila ang seryoso ang kondisyon.

Sinabi ni Nehammer na sa kabuuan, makapagtala ng pag-atake sa anim na magkakahiwalay na lokasyon sa Vienna.

Nangyari ang mga pag-atake ilang oras bago magpairal ng partial lockdown sa lugar dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

 

 

TAGS: austia, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, terror attacks, vienna attack, austia, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, terror attacks, vienna attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.