90 percent ng wireless coverage ng Globe sa Bicol, Camarines Sur at Albay bagsak pa dahil sa power failure

By Dona Dominguez-Cargullo November 03, 2020 - 07:11 AM

Siyamnapung porsyento pa ng wireless coverage ng Globe sa Bicol, Camarines Sur at Albay ang bagsak dahil sa nararanasang power failure sa mga lalawigan.

Sa pahayag ng Globe, sinabi nitong ginagawa na nila ang lahat upang maibalik ang serbisyo sa mga lugar na nasalantala ng bagyong Rolly sa lalong madaling panahon.

Mayorya ng outages sa network service ng Globe ay dahil sa nararanasang power interruption sa mga nasalantang lugar.

Ayon sa Globe, sa NCR, available na ang internet/data services habang ongoing pa ang restoration operations para maibalik ng buo ang call and text messages service sa ilang piling lugar.

Sa Camarines Norte naman, fully restored na ang texts, calls, mobile at data/internet services.

Sa Samar at Western Samar, ang text at calls ay fully restored na din, subalit may problema pa sa data service sa ilang piling lugar.

Sa Bicol, Camarines Sur at Albay, 90% ng wireless coverage ng Globe ang bagsak pa dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.

 

 

 

 

TAGS: Globe, network service, wireless coverage, Globe, network service, wireless coverage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.