Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, halos 17,000 na
Nagpositibo ang 134 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 2, umakyat na sa 16,982 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,033 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 78.80 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
210 naman ang gumaling pa kaya 13,559 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Nanatili naman sa 390 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.