Camarines Sur, isinailalim na sa state of calamity
Isinailalim na ang probinsya ng probinsya ng Camarines Sur sa state of calamity.
Ibinahagi ni Gov. Miguel Luis “Migz” Villafuerte ang inaprubahang Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 235-2020.
Nakasaad sa resolusyon na idineklara ang state of calamity sa probinsya dahil sa naranasang matinding pagbaha at mga tinamong pinsala dulot ng Bagyong Rolly.
Dahil sa tindi ng pinsala, nawalan din ng kuryente sa nasabing probinsya.
Isa ang Camarines Sur sa mga lugar na matinding naapektuhan ng hagupit ng naturang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.