Imbestigasyon ng Senado sa dirty money na pumasok sa bansa nagsimula na

By Den Macaranas March 15, 2016 - 02:38 PM

RCBC
Photo by Jong Manlapaz

Nagsimula na ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa money laundering controversy kung saan ay iligal na nakapasok sa bansa ang pera mula sa ilang bangko sa Bangladesh.

Present sa pagdinig si Maia Santos-Deguito, branch manager ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) sa Jupiter street sa Makati City kung saan sinasabing pumasok ang malaking halaga ng laundered money.

Imbitado rin bilang mga resource persons ang mga bank account holders na sina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara, Enrico Teodoro Vasquez at negosyanteng si William So Go.

Sa pagsisimula ng pagdinig, sinabi ni committee chairman Sen. TG Guingona na hindi matagpuan sa kanilang ibinigay na mga address sina Cruz, Lagrosas, Vergara at Vasquez.

Present din sa pagdinig sina RCBC president Lorenzo Tan, mga kinatawan ng Philippine National Bank (PNB), East West Bank, and Banco de Oro (BDO), Anti Money Laundering Council at mga casino operators.
Magugunitang iniulat ng AMLC nan a umaabot sa $81Million ang kabuuang halaga na pumasok sa bansa sa pamamagitan ng layered online transfer na ginawa ng ilang hackers.

Sa pagsisimula ng pagdinig ay tumanging magbigay ng anumang detalye si Deguito sabay ang hirit na gawin ang pagdinig sa pamamagitan ng isang executive session.

TAGS: AMLC, Bangladesh, Blue Ribbon, RCBC, AMLC, Bangladesh, Blue Ribbon, RCBC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.