5-taong gulang na bata kabilang sa nasawi sa Guinobatan, Albay

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2020 - 09:13 AM

Kabilang ang isang limang taong gulang na bata sa mga nasawi sa bayan ng Guinobatan sa Albay dahil sa pananalasa ng Typhoon Rolly

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC) ang bata ay anak ni Salvador Manrique na inanod ng tubig-baha.

Ayon sa ama ng bata, bigla na lamang sumambulat ang rumaragasang baha sa kanilang barangay.

Hawak hawak niya ang kaniyang 5 taong gulang na anak ngunit nabitawan niya ito sa sobrang lakas ng agos ng tubig.

Sa bayan na ng Oas sa Albay o halos 25 kilometro ang layo sa Guinobatan natagpuan ang bata.

Napag-alaman na natangay rin ng tubig-baha ang asawa at isa pang anak na babae ni Manrique na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, red cross, Rolly aftermath, RollyPH, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, red cross, Rolly aftermath, RollyPH, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.