Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 7,255 na
Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, November 1, 6PM) 7,255 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 6,730 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 67 na bagong recoveries.
Ang COVID-19 active cases naman ay 502.
Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 23.
Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.