Commander ng ISIS, napatay sa pag-atake ng US
Nasawi ang isang mataas na opisyal ng Islamic State group matapos ang pag-atake ng Estados Unidos sa kuta ng grupo sa northeastern Syria.
Isinagawa ang pag-atake noong March 4 target ang convoy ng IS group at nasawi doon si Omar al-Shishani alyas “Omar the Chechen” na commander ng grupo.
Ayon kay Navy Captain Jeff Davis, tagapagsalita ng Pentagon, nasawi si Shishani sa US-led coalition strike. “We believe he subsequently died of his injuries,” Navy Captain Jeff Davis, a Pentagon spokesman, told AFP.
Noong Linggo, iniulat ng Syrian Observatory for Human Rights monitoring group na “clinically dead” na si Shishani sa loob ng ilang araw.
Si Shishani ay isa sa mga IS leaders na most wanted sa Washington, at may patong na $5 million sa kaniyang ulo.
Isa siya sa itinuturing na “most capable commanders” ng ISIS. Nagsimula siyang umanib sa grupo noong 2013.
Maliban kay Shishani, nasawi din ang 12 iba pang ISIS fighters sa nasabing pag-atake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.