BREAKING: Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 348,760; 17,727 ang nadagdag
Mahigit 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (November 1), umabot na sa 383,113 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,115 o 7.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,396 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
81.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.9 porsyento ang asymptomatic; 5.4 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 17 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,238 o 1.89 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 17,727 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 348,760 o 91 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.