Red rainfall warning nakataas sa Northern Palawan, Occidental Mindoro

By Angellic Jordan November 01, 2020 - 02:43 PM

Credit: PAGASA FB

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Linggo ng hapon (November 1), ito ay dulot pa rin ng Typhoon Rolly.

Nakataas ang red warning level sa Northern Palawan at Occidental Mindoro.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Yellow warning naman ang nakataas sa Aurora, Isabela (Palanan at Dinapigue) at Quirino (Nagtipunan at Maddela).

Maliban dito, nasa yellow warning din ang Aklan, Capiz, southern portion ng Iloilo at Antique.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, heavy rainfall warning, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, red rainfall warning, RollyPH, typhoon goni, Typhoon Rolly, weather update November 1, yellow rainfall warning, breaking news, heavy rainfall warning, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, red rainfall warning, RollyPH, typhoon goni, Typhoon Rolly, weather update November 1, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.