Walang napaulat na nasugatang Pinoy sa tumamang M6.6 na lindol sa Turkey – DFA

By Angellic Jordan October 31, 2020 - 05:17 PM

Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Ankara, na tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Aegean region sa Turkey, October 30.

Sinabi ng embahada na base sa Filipino community groups, walang nasawi o nasugatang Filipino bunsod ng pagyanig.

Gayunman, tututukan pa rin ng DFA ang sitwasyon sa naturang bansa.

Nakahanda ring umasiste ang embahada sa mga naapektuhang Filipino ng lindol.

Sa datos hanggang December 2019, nasa kabuuang 3,063 ang bilang ng mga Filipino sa Turkey.

TAGS: Aegean region quake, DFA, Inquirer News, magnitude 6.6 quake in Turkey, Philippine Embassy in Ankara, Radyo Inquirer news, Aegean region quake, DFA, Inquirer News, magnitude 6.6 quake in Turkey, Philippine Embassy in Ankara, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.