Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Bataan, Sabado ng umaga.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 15 kilometers Southeast ng Mariveles.
Tumama ang pagyanig dakong 10:49 ng umaga.
May lalim itong 156 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa Mariveles at mga karatig-bayan.
Ayon pa sa Phivolcs, wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.