Saklolo ng ‘plantitos’ at ‘plantitas’ maaring hingiin sa greening project – Sen. Ralph Recto
Nagbigay ng suhestiyon si Senate President Pro Tempore Ralph Recto para makatipid sa gastusin sa National Greening Project.
Ayon kay Recto maaring magpasaklolo ang gobyerno sa mga umusbong na ‘plantitas’ at ‘plantitos’ ngayon pandemiya para sa pagtatanim ng mga puno at sila ay tatawagin na rin na ‘plantreetas’ at ‘plantreetos.’
Ito ay para mabawasan na ang mga nasasayang at pagkaantala ng mga tree planting projects sa buong bansa.
Maari din na mag-alok ng insentibo ang gobyerno sa mga nais magtanim ng mga puno.
Sa pagtataya ng senador, mula noong 2011 gumasta ang gobyerno ng P42.1 bilyon para sa National Greening Project.
Ngayon taon, ang NGP ay pinaglaanan ng P3.15 bilyon, ngunit posible na tumaas ito sa P5.15 bilyon.
Gagamitin ang pondo para sa pagtatanim ng 72.9 million seedlings sa 82,349 ektarya ng mga taniman.
Hamon pa niya sa DENR, huwag magbilang ng mga naitanim ng puno ngunit ang dapat na ipakita ay ang mga nabuo at nabuhay na mga kagubatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.