Illegal Chinese clinic sa Makati City ni-raid, mga Chinese drugs kinumpiska

By Jan Escosio October 30, 2020 - 11:03 AM

Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang hotel sa Barangay Poblacion base sa impormasyon ukol sa operasyon ng isang klinika sa isa sa mga units.

Ayon kay Makati City police chief, Col. Oscar Jacildo, naaresto sa operasyon ang isang He Pian Yun, 58, Chinese citizen at nanunuluyan sa Unit 506 Oyo 196 Destiny Hotel sa Mariano street.

Ikinasa ang operasyon nang makabili ang isang police asset ng Chinese medicines sa naturang unit.

Dagdag pa ni Jacildo nagsagawa sila ng surveillance operations base sa impormasyon na nagsasagawa ng medical / surgical procedures sa naturang unit at nagbebenta ng Chinese medicines.

Sinabi naman ng Business Permit and Licensing Office ng Makati LGU, walang permiso at lisensiya ang klinika para makapag-operate.

Patong-patong na mga kasong kriminal ang kahaharapin ni He.

 

 

 

TAGS: Illegal Chinese Clinic, makati city, Makati Police, Raid, Illegal Chinese Clinic, makati city, Makati Police, Raid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.