Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, halos 16,500 na
Nagpositibo ang 143 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 29, umakyat na sa 16,480 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,142 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 78.58 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
84 naman ang gumaling pa kaya 12,953 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 385 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.