Umabot sa 59 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (October 29), umabot na sa 2,054 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 651 ang aktibo pang kaso.
Walo naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 1,376 na ang total recoveries sa Baguio City habang 27 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,416 ang aktibo habang 3,080 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 15,953 na residente habang 18,648 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.